
Ipinagpatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon nito sa umano’y anomalya sa mga flood control projects.
Sa pagdinig ngayong hapon, dumalo si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste, gayundin si dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan.
Kinumpirma naman ng Department of Justice ang bilang ng mga proyekto para sa flood control na pinaniniwalaang ghost projects. Habang itinuturo ng 2 testigo si Curlee Discaya bilang contractor ng isang property sa Makati City na binili umano ni dating House Speaker Martin Romualdez.

Walang naitalang casualty ang lokal na pamahalaan ng Guinobatan, Albay sa kabila ng dalawang magkakasabay na kalamidad na kanilang pinagdaanan nitong mga nakalipas na araw.
Matapos ang malalakas na ulan at lahar flow, muling binuksan sa mga motorista ang mga pansamantalang isinarang kalsada.

Inilabas na ng Sandiganbayan Third Division ang arrest warrant para kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla, Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, at 4 pang DPWH officials sa Bulacan 1st District Engineering Office.

Ipinasara ng Department of Migrant Workers ang isang training agency sa Maynila matapos matuklasang iligal itong nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa, ayon sa ahensya.

Naglabas ng ulat ang Office of the Ombudsman kaugnay sa naging accomplishments ng ahensya sa unang 100 araw sa puwesto ni Ombudsman Crispin “Boying” Remulla.
Ayon sa ulat, pangunahing tinutukan ng Ombudsman ang masusing imbestigasyon sa flood control projects sa iba’t ibang panig ng bansa.