
Alamin ang 5 AM update ng Philippine Weather Bureau PAGASA tungkol sa Tropical Depression #AdaPH, ngayong araw ng Martes, January 20, 2026.

Naranasan ang ash fall sa Legazpi City at bayan ng Daraga, Albay kagabi, January 19. Dahil dito, nagsimula nang magsuot ng face mask ang mga residente. Samantala, nagbabala ang lokal na pamahalaan sa posibleng pinsalang maidudulot nito sa mga mamamayan ng Albay.

Tumataas ang tensyon sa Minnesota sa Estados Unidos dahil sa pagpapatuloy ng protesta laban sa immigration crackdown ni President Donald Trump.

Ipinahayag ni Canadian Prime Minister Mark Carney na kahit tinanggap niya ang imbitasyon ni US President Donald Trump na sumali sa “board of peace” upang subaybayan ang mga susunod na hakbang sa Gaza, hindi pa rin siya tiyak sa layunin ng isang bilyong dolyar na bayad para sa pagiging miyembro.

Pinangunahan ni Mayor Gretchen Stephanie M. Espina, kasama si Biliran Electric Cooperative General Manager Engr. Gerardo Oledan, ang isang pulong kasama ang mga internet service provider. Ito ay upang tugunan ang lumalalang problema ng sabit-sabit at magulong mga kable sa buong bayan.