
Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: http://www.facebook.com/GoodMorningKuya/
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/

-PNP, kinumpirmang sumuko si ex-Sen. Revilla sa Camp Crame
-House Majority Leader Sandro Marcos, no choice kundi sundin ang impeachment process vs. PBBM
- Ilan sa Cabral files na hawak ni Rep. Leandro Leviste, pinatunayan ng DPWH na totoo

Hiniling na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagkansela sa pasaporte ng negosyanteng si Charlie "Atong" Ang. Sa isang panayam, inihayag ni DILG Sec. Jonvic Remulla na hiniling na nila ito sa Department of Justice at sa Department of Foreign Affairs.

Pinatunayan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na totoo ang ilan sa Cabral files na hawak ni Rep. Leandro Leviste. Ito ay sa gitna ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee kaugnay ng maaanomalyang flood control projects ng pamahalaan.

Tinatayang mahigit 6,000 na ang bilang ng mga buwaya sa Southern Palawan, batay sa survey mula 2015 hanggang 2020. Ayon sa Crocodylus Porosus Philippines Inc. (CPPI), posibleng mas malaki na ngayon ang populasyon ng mga ito.