
Naglabas na ng reward money ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa agarang ikaaaresto sa itinuturing na mastermind sa kaso ng missing sabungeros na si Charlie Atong Ang.
Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, number one most wanted na ngayon ng bansa si Ang na itinuturing na ring armed and dangerous.

Hinay-hinay lang.'
Ito ang payo ni Senator Panfilo Lacson kay Batangas First District Rep. Leandro Legarda Leviste.
Ayon kay Sen. Lacson, mismong ang ina ng neophyte congressman na si Sen. Loren Legarda ang lumapit sa kanya para hilingin na mabigyan ito ng advice kasunod ng mga natatanggap nitong pambabatikos dahil sa paghahayag ng nilalaman ng Cabral files.

Naniniwala si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na dapat humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hearing si dating House Speaker–Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez.
Ito ay kahit itinanggi ni Romualdez ang kaugnayan sa contractors na Discaya couple.

Babala sa mga fixer!
Nahuli sa akto ang halos 40 indibidwal na nag-aalok ng mabilisang transaksyon sa Land Transportation Office.
Dalawa pang regional director ng LTO ang inilipat ng pwesto dahil sa umano'y korapsyon.

- Warrant of arrest vs Atong Ang, labag umano sa kanyang karapatan sa due process
- Ilang isyu kaugnay ng flood control scam, lilinawin sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa Jan. 19
- Cong. Leandro Leviste, may bwelta sa DOE sa umano’y pagpalya ng kanyang renewable energy company