
Walang mataas na politiko na sangkot sa nasabat na kargamento ng shabu sa Occidental Mindoro, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Itinututok ng ahensya ang imbestigasyon sa ilang Chinese nationals na posibleng nagdadala ng droga sa bansa.

Hindi basta-basta ang paglilipat ng kustodiya ni Ramil Madriaga, ayon kay House Justice Committee Chairperson Rep. Gerville Luistro kaugnay ng apela para sa kaligtasan nito.
Samantala, naninindigan ang mga kongresista sa integridad ng impeachment proceedings laban sa Pangalawang Pangulo.

Pormal nang nai-turn over ng Independent Commission for Infrastructure ang kanilang final report sa Office of the Ombudsman.
Ayon kay ICI Chairperson Justice Andres Reyes, hanggang sa katapusan na lang ng Marso ang operasyon ng kanilang komisyon.

Tiniyak ng Department of Transportation na makatatanggap na rin ng P5,000 na ayuda ang mga motorcycle taxi rider.
Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, sakop ang mga rider sa sektor ng ride-hailing services na nakasaad sa probisyon ng 2025 national budget.

Dumating kaninang umaga sa Ninoy Aquino International Airport ang bagong batch ng Filipino workers na biktima ng human trafficking.
Sila ay nasagip mula sa isang scam hub sa Cambodia.