
Tuloy ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagsasampa ng reklamo laban sa mga matutuklasang sangkot sa maanomalyang proyekto ng pamahalaan.
Ayon kay Secretary Vince Dizon, magpapatuloy ang aksyon kahit matatapos na ang operasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Naaresto ng National Bureau of Investigation ang isang suspek sa Pasay City dahil sa pagbebenta ng counterfeit money.
Aabot sa P12-B ang halaga ng iba’t ibang foreign currency na nakumpiska mula sa kanya.

Nag-anunsyo ang Estados Unidos na magbibigay ng 30-day license sa mga bansa para makabili sa kanila ng langis.
Ayon sa US government, maaari nang makabili ang mga bansa ng Russian oil at iba pang produktong petrolyo na nakumpiska nito at kasalukuyang stranded sa karagatan.

Naglabas ng panawagan at babala si Iranian Supreme Leader Mojtaba Khamenei sa mga kaibigang Gulf nations para hindi madamay sa atake laban sa kanilang mga kaaway, partikular ang Estados Unidos at Israel.
Sa kauna-unahang public statement niya, nagbanta ang lider na sisirain ng Iran ang lahat ng US military bases at assets sa buong Gulf region.

No show sa tanggapan ng National Bureau of Investigation si Efraim Tendero.
Siya ang umano’y witness nang isagawa ang joint affidavit ng 18 dating miyembro ng Philippine Marines sa isang notary public sa Las Piñas City noong February 23.