
- Operasyon ng Independent Commission for Infrastructure, hanggang March 31 na lang; lahat ng nakalap na ebidensya, naisumite na sa Office of the Ombudsman
- Armed Forces of the Philippines, walang indikasyon na babawiin ng Estados Unidos ang military assets nito sa bansa
- Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, posibleng madagdagan sa susunod na mga buwan ayon sa Philippine Statistics Authority

Mula sa bomba at missiles hanggang sa pagtaas ng presyo ng langis at pagkain, ang digmaan ay may napakalaking gastos – sa pera, ekonomiya, at buhay ng tao.

Walang nakikitang pagbabago ang Armed Forces of the Philippines sa suporta ng Estados Unidos sa bansa kasunod ng ulat tungkol sa redeployment ng US missile system mula South Korea papunta sa Middle East.
Ayon sa AFP, nananatiling matatag ang ugnayang militar ng dalawang bansa sa kabila ng kasalukuyang tensyon sa rehiyon.

Nagbigay ng panibagong detalye ang Office of the Ombudsman tungkol sa joint affidavit ng 18 nagpakilalang security aide ni Zaldy Co.
Ayon kay Ombudsman Crispin Remulla, ipapa-subpoena niya ang mga ito oras na matanggap nila ang magkakahiwalay na affidavit ng umano’y dating Marines.

Inaasahan ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority na tataas ang bilang ng pasahero sa LRT-2 sa mga susunod na araw.
Kaugnay ito ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo at panawagang magtipid sa enerhiya.
Apektado na rin ang ibang train lines na nakararanas ng pagdagsa ng mga pasahero.