
Pangungunahan ng Pilipinas ang Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit ngayong 2026.
Kaugnay nito, pinaghahandaan ng bansa ang mga posibleng protesta kasabay ng isasagawang pagtitipon kasama ang mga world leader.

Simula 2026, maaari nang makapasok sa Canada nang walang traditional visitor visa ang kwalipikadong Pilipino matapos isama ang Pilipinas sa ‘visa-free’ entry program ng Immigration, Refugees and Citizenship Canada.

Nakararanas ng matinding heatwave ang malaking bahagi ng Australia na nagdulot ng mapaminsalang antas ng panganib ng bushfire sa ilang rehiyon, partikular sa estado ng Victoria.

Hindi inaalis ng US ang posibilidad ng paggamit ng military action upang makuha nito ang kontrol sa Greenland, kung hindi umano magbubunga ang negosasyon sa pagitan ng US at Denmark na may kasalukuyang kontrol sa Greenland.

Nagbunsod ng malawakang protesta sa lungsod ng Minneapolis ang pamamaril ng isang Immigration and Customs Enforcement (ICE) officer na ikinasawi ng isang Amerikanang babae.