
Iginiit ni Vice President Sara Duterte ang karapatan niyang mamili ng mga abogado para sa kinahaharap niyang impeachment sa Kamara.
Kasunod ito ng pagkukwestyon ng ilan dahil sa posibleng umano’y conflict of interest ng dalawang miyembro ng kaniyang defense team.

Hihintayin hanggang ngayong araw, March 16 ng Kamara ang tugon ni Vice President Sara Duterte sa dalawang reklamong impeachment laban sa kaniya.
Kung hindi ito magsusumite ng response, iikli ang impeachment proceedings ayon kay Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, miyembro ng House Justice Committee.

Nagbabala ang isa sa mga lider ng pinakamalalaking pagawaan ng pataba sa halaman na lubhang maaapektuhan ang pandaigdigang suplay ng pagkain kung tatagal pa ang digmaan sa Gitnang Silangan.
Kasabay nito, makakaapekto rin sa suplay ng pagkain kung aabutin ng isang taon na nakasara ang Strait of Hormuz.

Nagpatupad ang bansang Sri Lanka ng fuel rationing system gamit ang QR code bilang paghahanda sa posibleng krisis sa suplay ng langis dulot ng nagpapatuloy na digmaan sa Middle East.

Nagkakaubusan na ng fuel canisters sa New Zealand dahil sa dami ng mga bumibili para makapag-imbak ng mas murang gasolina bago pa tumaas ang presyo nito.