
- Panibagong banta ng mega oil price hike, nagbabadya nang ipatupad bukas; Panukalang magbabawas ng excise tax sa produktong petrolyo, aaprubahan na ng Kamara ngayong linggo
- Tugon ni VP Sara Duterte sa reklamong impeachment, hihintayin ng Kamara hanggang ngayong araw
- Paggiit ng China na isinuko umano ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc, tinuligsa

Pinabulaanan ng pamunuan ng Department of Transportation at Metro Rail Transit o MRT-3 ang mga paratang ni Cong. Eli San Fernando.
Ito ay may kaugnayan sa paggamit ng 4-car train sa linya ng MRT-3, bagaman hindi ito akma sa sistema ng linya ng tren.

Tinuligsa ni Philippine Coast Guard Rear Admiral Jay Tarriela ang muling paggamit ng China ng isang liham mula pa noong taong 1990, kung saan iginiit ng mga ito na isinuko umano ng Pilipinas ang Scarborough Shoal na kilala rin sa tawag na Bajo de Masinloc.
Giit ng PCG, mali ang interpretasyon ng China ukol sa naturang dokumento.

Inaasahang ilalabas ng Commission on Elections sa Miyerkules, March 18 ang desisyon kaugnay ng isyu sa Statement of Contributions and Expenditures o SOCE ni Senator Rodante Marcoleta sa halalan noong May 2025.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, mainit ang naging talakayan ng komisyon sa en banc kaugnay ng naturang kaso.

Iginiit ni Vice President Sara Duterte ang karapatan niyang mamili ng mga abogado para sa kinahaharap niyang impeachment sa Kamara.
Kasunod ito ng pagkukwestyon ng ilan dahil sa posibleng umano’y conflict of interest ng dalawang miyembro ng kaniyang defense team.