
Tumestigo sa Sandiganbayan 4th Division ang driver ng state witness na si Henry Alcantara laban kina dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at mga kapwa akusado mula Bulacan.
Sa pagsalang nito sa witness stand, isiniwalat nito ang iba pang mga personalidad na umano’y nakatanggap rin ng mga kahong naglalaman ng milyong halaga ng salapi.

Kinumpirma ng Schools Division Office ng San Carlos sa probinsya ng Negros Occidental ang isang insidente na kinasasangkutan ng estudyante mula sa Julio Ledesma National High School.
May ilang ulat na lumalabas hinggil sa umano’y isa na namang kaso ng pananaksak sa isang Grade 9 student ng kapwa nito estudyante na nangyari sa labas ng kanilang paaralan sa San Carlos City.

Inalis na sa pwesto at ngayon ay nahaharap sa summary dismissal proceedings ang pulis na may ranggong Police Staff Sergeant na may-ari ng baril na ginamit ng isa sa suspek.
Ito ay habang iniimbestigahan kaugnay sa kanyang kapabayaan.

Kinondena ng isang Makabayan lawmaker ang panukala ni Senator Robin Padilla na amyendahan ang Juvenile Justice and Welfare Act at ibaba sa sampung taon ang edad ng criminal liability.
Kasunod ito ng nangyaring pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City.

Kasama rin sa iniimbestigahan ngayon ng Philippine National Police ang posibilidad na maaaring naimpluwensiyahan ng ibang grupo ang isinagawang pag-atake ng dalawang estudyante sa Tacloban City.
Ayon kay Philippine National Police PCol. Allen Rae Co, kabilang sa mga tinitingnan nilang anggulo ang posibilidad na may ibang grupo na nag-udyok sa dalawang menor de edad na gawin ang krimen.