
Hindi naniniwala si US President Donald Trump sa ulat na nagbigay umano ang ilang Chinese entity ng satellite images sa Iran.
Tinawag naman ng Chinese Foreign Ministry na walang batayan at ebidensiya ang mga paratang.

Mariing itinanggi ng Iran na sangkot ito sa muling pag-igting ng civil war sa Yemen sa gitna ng lumalalang labanan ng Houthi rebels at Saudi Arabia.
Ito ay matapos maglunsad ang Houthi ng panibagong malawakang missile at drone attack sa mga military target sa Saudi Arabia.

Posibleng ipagpaliban muli ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na gaganapin sa Nobyembre.
Ito ay matapos aprubahan ng Senado ang panukalang batas na nagpapalawig sa 5 taon ng termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan.

Sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, nabanggit ng magkapatid na sina Senate Minority Leader at Senator Pia Cayetano ang kanilang concern hinggil sa umano’y mga banta at intimidation laban sa kanila.

Hindi nagustuhan ng isang House Deputy Speaker ang paraan ng pagtatanong ng defense counsel kay retired Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang.
Samantala, sisilipin naman ng House Prosecution Team ang mga ginawang pagbiyahe sa labas ng Pilipinas ni Vice President Sara Duterte sa nakalipas na dalawang taon.