
- Mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc, muling nakaranas ng harassment sa China vessels
- Misyon ng ICI‑Technical Working Group for Asset Recovery, tapos na; P24.8‑B flood assets, frozen at recovered na ayon sa CICC
- Sen. Imee Marcos, binatikos ang pagsususpinde ni PBBM sa taas-pasahe sa public transportation

Panoorin ang live interview sa presidente ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines o ALTODAP na si Mr. Melencio "Boy" Vargas tungkol sa epekto ng pagsusupinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa fare hike.

Susuriin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang pagtaas ng charging fee ng mga electric vehicles mula P17 hanggang P34 kada kilowatt-hour.
Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza II, layon nilang alamin ang dahilan ng pagtaas at posibleng iba pang salik na nakakaapekto sa cost chain ng electric vehicles.

Naniniwala si House Justice Committee Chairperson at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro na dapat magtuloy-tuloy ang impeachment proceedings kahit magbitiw sa puwesto si Vice President Sara Duterte.
Samantala, naninindigan naman ang kampo ng Pangalawang Pangulo na may fundamental defect at hindi nakabatay sa katotohanan ang reklamong impeachment laban dito.

Tiniyak ni Albay Governor Noel Rosal na handa ang pamahalaang panlalawigan na magpatupad ng mas malawak na evacuation sakaling itaas pa sa Alert Level 4 ang status ng Bulkang Mayon.