
Pinaigting pa ng Philippine National Police ang presensya ng kanilang mga tauhan sa paligid ng mga pamilihan at grocery stores.
Layunin nito na magbantay laban sa iligal na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Ikinadismaya ng transport group na Alliance of Transport Operators and Drivers Association (ALTODAP) ang pagbawi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng taas-pasahe na dapat ipatutupad ngayong araw.

Boluntaryo at hindi sapilitan ang pagsama sa nationwide transport strike ngayong araw.
Nakaantabay naman ang mga libreng sakay ng ilang ahensya ng pamahalaan sa iba't ibang lugar sa Metro Manila.

May bahagyang pagluluwag sa daloy ng trapiko mula nang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon ito sa observation ng Metropolitan Manila Development Authority sa mga nakalipas na araw.

Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: http://www.facebook.com/GoodMorningKuya/
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/