
Binigyang-diin ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. na mahalagang palakasin ang anti‑missile system ng Pilipinas upang matiyak ang pambansang depensa.
Ayon sa kalihim, seryoso ang pamahalaan sa pagpapalakas ng depensa upang maging handa sa mga banta ng terorismo at krisis sa enerhiya.

Panibagong harassment ang muling naranasan ng mga Pilipinong mangingisda sa may Bajo de Masinloc mula sa mga barko ng China na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas.
Agad namang rumesponde ang Philippine Coast Guard at barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda doon.

Pormal nang nag-adjourn indefinitely ang Technical Working Group for Asset Recovery ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
Kasunod ito ng matagumpay na operasyon kung saan bilyon-bilyong pisong halaga ng mga frozen at recovered assets mula sa mga anomalya sa flood control ang naitala ng grupo.

Pinuna ni House Speaker at Isabela 6th District Rep. Faustino ‘Bojie’ Dy III ang antala sa paglalabas ng pondo ng Department of Budget and Management o DBM.
Ginawa nito ang pahayag matapos ireklamo ni House Deputy Speaker-Antipolo 1st District Rep. Ronaldo Puno ang delay sa budget releases para sa infrastructure projects sa congressional districts.

Nangako ang pangulo ng Cuba na hindi ito matitinag sa mga tangkang panghihimasok ng Estados Unidos.
Ito ay kasunod ng banta ni US President Trump na kukunin ang Cuba sa gitna ng kinakaharap nitong krisis sa ekonomiya bunsod ng kakulangan sa suplay ng enerhiya.