
Nakatakdang magpadala ang United States Department of Homeland Security ng karagdagang officers sa Minnesota matapos ang isinagawang protesta ng mga residente doon.

Hinimok ng gobyerno ng Estados Unidos ang mga mamamayan nito na agad lisanin ang Venezuela dahil sa nagbabadyang panganib mula sa mga armadong grupo.

Nasunog ang isang gasolinahan sa Panabo City, Davao del Norte. Inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng insidente.

Good news para sa mga consumer ng Manila Electric Company (Meralco) dahil may bawas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Enero.

Mas mataas na demand sa kuryente ang inaasahan ng Manila Electric Company (Meralco) sa panahon ng tag-init. Ayon sa Meralco, titiyakin nila na may sapat silang suplay ng kuryente sakaling ideklara na ng PAGASA ang opisyal na panahon ng tag-init.