
Inianunsyo ng Philippine Embassy in Korea na hiring ngayon ang Social Security System o SSS office doon.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang official Facebook page ng Philippine Embassy in Korea.

Nagbabala ang Embahada ng Pilipinas sa Espanya sa mga Pilipino matapos makatanggap ng maraming ulat tungkol sa mga scammer na nagpapanggap na kinatawan ng embahada.
Paalala ng mga otoridad sa publiko, huwag magbahagi ng personal na impormasyon at agad na i-report sa kanilang tanggapan ang mga ganitong insidente.

Pinag-iingat ng Migrant Workers Office sa Dubai ang mga Overseas Filipino Workers doon laban sa sinasabing repatriation assistance scam.
Paalala ng DMW, sa mga official channel lamang dapat i-proseso ang paghingi ng tulong para sa repatriation.

Tinulungan ng Philippine Consulate General ang repatriation ng apat na overseas Filipino workers na na-stranded sa Istanbul, Turkey.
Ang mga nasabing ofw ay orihinal na nakabase sa Kuwait at nasa Istanbul lamang gamit ang kanilang tourist visa.

Bigo ang Senado na maaprubahan sa third reading ang amyenda sa Biofuels Act of 2006 sa kabila ng sinertipikahan ito bilang ‘urgent’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.