
Nagpupulong na ang mga kaalyado ng NATO upang hanapan ng paraan ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz.
Ito ay kasabay ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan at ng panawagan ni US President Donald Trump.

Ipinahayag ng anim na makapangyarihang bansa, kabilang ang Britain, France, Germany, Japan, Italy, at Netherlands, na handa silang tumulong sa mga hakbang para matiyak ang ligtas na pagdaan sa Strait of Hormuz.

Nagpulong sina US President Donald Trump at Japan Prime Minister Sanae Takaichi sa White House upang talakayin ang lumalalang krisis sa Gitnang Silangan.
Sentro ng kanilang pag-uusap ang seguridad sa Strait of Hormuz at ang epekto nito sa pandaigdigang suplay ng enerhiya.

Nananatiling buo ngunit humina ang pamahalaan ng Iran, ayon sa pinakabagong assessment ng US intelligence.
Iginiit din nito, kasama ng CIA, na may imminent threat ang Iran sa Estados Unidos na naging basehan ng desisyon ni US Pres. Donald Trump na pag-atake dito.

Muling sumipa ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado matapos tamaan ng Iran ang pangunahing energy facility sa Qatar.
Kasunod nito, nagbanta si US President Donald Trump ng matinding pagganti laban sa Iran.