Back

UNTV News and Rescue

0:45
Politics
Health & Lifestyle

NBI, makikipagtulungan sa DICT, DTI AT DOH kaugnay sa online selling ng unregulated medicine

January 12, 2026 10:50 AM
PST

Makikipagtulungan ang National Bureau of Investigation sa Department of Information and Communications Technology, Department of Trade and Industry at Department of Health patungkol sa naglipana umanong bentahan online ng mga unregulated medicine. 

Tugon ito ng NBI sa ginawang privilege speech ni Sen. Raffy Tulfo patungkol sa naturang kalakaran online.

0:54
Politics

PNP, iginiit na ligal ang pagkumpiska sa luxury vehicles ni Co

January 12, 2026 10:47 AM
PST

Iginiit ng Philippine National Police na legal ang ginawa nilang pagkumpiska sa mga luxury vehicles o mamahaling mga sasakyan na iniiuugnay kay dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.

0:50
Politics

Nagpakalat ng fake death ni Ombudsman Remulla, iimbestigahan ng NBI

January 12, 2026 10:44 AM
PST

Inihahanda na ng National Bureau of Investigation ang hakbang para sa gagawin nitong koordinasyon sa iba pang ahensiya ng pamahalaan para aksyunan ang kumalat na maling impormasyon patungkol sa umano'y pagkamatay ni Ombudsman Crispin ‘Boying’ Remulla.

1:21
Politics

Sen. Marcos at Lacson, binuweltahan ang isa't isa ukol sa allocables umano sa 2025 budget

January 12, 2026 10:41 AM
PST

Inilahad ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo Lacson na mayroon umanong P2.5 bilyon na allocables si Sen. Imee Marcos sa 2025 National Expenditure Program (NEP). 

Ito ay sa gitna ng pagtuligsa ng presidential sister sa naisabatas na 2026 national budget na pork barrel o mga pondo para mga lokal na proyekto na kadalasan ay ginagamit para makakuha ng boto at suporta.

1:07
Politics

Ilang indibidwal, nagpaplano umanong maghain ng impeachment complaint vs. PBBM

January 12, 2026 10:36 AM
PST

Kinumpirma ni House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice na may mga indibidwal na nagpaplanong maghain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.