
Nagsagawa ang Estados Unidos ng ‘large-scale strikes’ laban sa ISIS sa Syria.
Ito’y bahagi ng Operation Hawkeye Strikes alinsunod sa kautusan ni President Donald Trump kaugnay ng nangyaring pag-atake ng ISIS sa mga sundalo ng U.S. sa Syria.

Nagprotesta ang libu-libong Canadians bilang pagpapakita ng suporta sa mamamayan ng Iran dahil sa patuloy na karahasan at panunupil ng kasalukuyang rehimen.
Hiniling rin ng mga ito ang muling pagbabalik ni Crown Prince Reza Pahlavi.

Isiniwalat ng may-ari ng Crans-Montana bar sa Switzerland na nasunog sa kasagsagan ng pagdiriwang ng bagong taon ang isang mahalagang detalye tungkol sa nangyaring sunog, kung saan nasa 40 ang nasawi.

Nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Mayon Volcano ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa monitoring ng ahensya kahapon, January 11, nakakita ng pagtaas ng real-time seismic energy release (RSAM) sa Mayon Volcano.

Nasa 63 na ang mga nagkaroon ng super flu sa bansa hanggang noong buwan ng Disyembre ng nakaraang taon.
Iniulat ito ni Department of Health Spokesperson Albert Domingo sa isang panayam.