
Sarado at secured na ang Department of Public Works and Highways–Cordillera office sa Baguio City matapos itong masunog kagabi.
Hindi na rin pinapayagang makapasok ang sinoman, kabilang ang mga opisyal ng kagawaran.

Dumipensa ang Department of Energy sa mga pahayag ni Batangas Congressman Leandro Leviste na maaaring konektado sa kanyang mga exposè ang pagkansela sa kontrata ng kumpanyang itinatag niya.
Paglilinaw ng DOE, matagal na nilang inabisuhan ang kumpanya dahil sa mga paglabag sa pinasok na kasunduan sa pamahalaan.

Pasok na bilang state witness ang 3 dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at isang kontraktor na inuugnay sa isyu ng flood control project anomaly.
Umabot din sa mahigit P316-M ang naisauling pera sa gobyerno kaugnay ng flood control issue.

Nilinaw ni Ombudsman Crispin Remulla ang kumakalat na impormasyong mayroon umanong nagtangkang manuhol sa kanya at sa kanyang kapatid na si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.
Ayon sa nakatatandang Remulla, kinausap niya ang kanyang kapatid patungkol dito.

Walang naging tiyak na kasunduan sa pagitan ng US, Denmark, at Greenland matapos ang pakikipag-usap ng Foreign Affairs Ministers ng dalawang European nation kina US Vice President JD Vance at Secretary of State Marco Rubio.