
Ilang oras na lang ay matatapos na ang 48-hour ultimatum na ibinigay ni US President Donald Trump laban sa Iran.
Nais ni Trump na buksan ng Iran ang malayang paglalayag sa Strait of Hormuz nang walang banta sa seguridad ng anumang bansa.
Subalit, walang indikasyon na susunod ang Iran sa utos, at bagkus, nagbanta ito ng mas matitindi pang pag-atake.

Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang listahan ng mga tsuper ng transport network vehicle services (TNVS) na tatanggap ng cash relief assistance.
Kabilang sa mga makikinabang ang mga driver ng Grab, JoyRide, GoCab, AngCars, Para Express, at iba pa.

Tatapusin muna ng transport groups ang kanilang tigil-pasada bago makipag-usap sa pamahalaan.
Ayon sa grupong PISTON, huli na ang tugon ng pamahalaan sa kanilang problema sa gitna ng tumataas na presyo ng langis.
Kasabay nito, inihayag nila ang anim na kahilingan sa pamahalaan upang matulungan ang sektor.

Umaasa si Navotas City Representative Toby Tiangco na pagbobotohan na sa plenaryo ng Kamara sa Mayo ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Samantala, umapela ang Malacañang sa Kongresista na iwasan ang pagpapakalat ng fake news.

Kinumpirma ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro ang P500-M na counterclaim laban kay Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste.
Kaugnay ito ng isinampang civil libel complaint ni Leviste laban kay Castro dahil sa umano’y mapanirang pahayag tungkol sa kanyang solar power business.