Muling nakaranas ng harassment mula sa puwersa ng China ang mga mangingisdang Pilipino sa Bajo de Masinloc nitong linggo.
Agad namang nagpadala ng barko ang Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) upang umalalay sa mga mangingisda.
Ayon sa mga awtoridad, may bagong taktika na ginagamit ang China para maitaboy ang mga Pilipinong mangingisda sa lugar.






















