Back

UNTV News and Rescue

2:49
Health & Lifestyle

ALAMIN: Paano makakatulong ang Nordic diet sa mas mahimbing na tulog at mas mahabang buhay

January 17, 2026 1:29 AM
PST

Ang Nordic diet ay simple, local, at natural na pagkain.

Ayon sa pag-aaral, nakababawas ito ng inflammation, nagpapalakas ng puso, at tumutulong sa maayos na tulog.

Alamin kung paano mo ito magagawa kahit nasa tropical country tayo.

3:15
Health & Lifestyle

Lady rider, nagpaikot-ikot at nadaganan ng motor nang mabangga ang isang baka; UNTV NAR, tumulong

January 19, 2026 2:38 PM
PST

Dalawang magkahiwalay na insidente ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue team sa Pampanga at Sorsogon.

Isang lady rider ang nasugatan matapos mabangga ang isang baka na bigla na lamang sumulpot sa kalsada.

Sa hiwalay na insidente, tinulungan din ng team ang isang ginang na tatlong buwang buntis na maihatid sa ospital matapos makaranas ng pagsama ng kanyang pakiramdam.

1:04
Politics

Carney at Xi, nagpulong sa Beijing para palakasin ang ugnayan ng Canada at China

January 17, 2026 1:30 AM
PST

Nagkita si Canadian Prime Minister Mark Carney at Chinese President Xi Jinping sa Great Hall of the People sa Beijing upang itaguyod ang bagong yugto ng ugnayan ng dalawang bansa.

Sa linggong ito, nilagdaan nila ang ilang kasunduan sa enerhiya, agrikultura, at kalusugan ng hayop bilang bahagi ng bagong strategic partnership.

3:16
Politics

Planong pagpapababa ng US health care cost, inilatag ni Pres. Trump

January 17, 2026 1:30 AM
PST

Inilunsad ni US President Donald Trump ang isang bagong health care plan na layong pababain ang presyo ng mga gamot at direktang ilipat ang subsidiya sa mga mamamayan.

Ayon sa Pangulo, nakatuon ang plano sa pagbibigay-prayoridad sa taumbayan sa halip na sa malalaking insurance company at mga special interest.

1:27
Politics

Insurrection law, nais ipatupad ni Trump sa Minnesota

January 17, 2026 1:30 AM
PST

Nagbabala si US President Donald Trump na maaari niyang ipatupad ang Insurrection Act sa lungsod ng Minneapolis, Minnesota, upang magpadala ng mga militar kaugnay ng patuloy na kilos-protesta laban sa immigration crackdown.

Ayon sa Pangulo, gagamitin ang naturang hakbang kung hindi mapipigilan ang kaguluhan sa nasabing lungsod.