Marami sa mga transport network vehicle services o TNVS drivers ang umaaray na rin sa sobrang taas ng presyo ng langis, kaya't kakarampot na lamang ang kanilang kinikita sa pamamasada.
Kaugnay nito ay sisimulan na ng Department of Social Welfare and Development ang distribusyon ng 5,000 pesos na cash relief assistance para sa mga tsuper ng TNVS.






















