
Handang ibenta uli ni Ramon Ang sa gobyerno ang Petron Corporation.
Sinabi ng negosyante na mas mainam pa kung bibilhin na lang uli ito ng pamahalaan kaysa magpatupad ng price control.

Nagbabala ang China sa Estados Unidos dahil sa anila’y pagdadala ng conflict at chaos ng digmaan sa Asia-Pacific.
Ito ay matapos ipahayag ng Washington at mga kaalyado nito na kanilang pag-aaralan ang pagtatayo ng pasilidad sa Pilipinas para sa paggawa ng mga armas.

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang isang grupo ng mga abogado para ipatigil ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Nakasaad sa kanilang petition for certiorari with prayer for TRO ang pagkuwestiyon kung maaari bang payagan ang Kamara na ituloy ang pagdinig.

Naninindigan si House Justice Committee chairperson at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro na sinusunod nila ang rules of impeachment ng Kamara at Saligang Batas sa proseso ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa Philippine Amalgamated Supermarkets Association, naghayag ng taas-presyo ang ilang market bunsod ng tumataas na raw materials, dahilan ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Babala pa ng grupo, posibleng ipatupad ang price increase pagsapit ng April 1.