
Pinag-aaralan ng Private Hospitals Association of the Philippines o PHaPi ang pagpapatupad ng limang porsyentong taas-singil sa hospital fee.
Ayon kay PHaPi President Dr. Jose De Grano, apektado na rin ng krisis sa enerhiya ang presyo ng gamot, medical supplies, transportasyon, at iba pang gamit gaya ng generator sets, na hindi dapat mawala lalo na sa mga ospital.

Nakatanggap ng malaking grant ang Department of Finance mula sa bansang Australia para sa mga programang pang-ekonomiya ng bansa.
Ang grant ay nagkakahalaga ng 45-million Australian dollars o ₱1.9-billion.

Hindi ipagpapaliban ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Leaders’ Summit sa Mayo.
Sa gitna ito ng panawagan ng ilang mambabatas na tipirin na lamang ang gastos sa ASEAN sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

Iminungkahi ni Sen. Imee Marcos sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na pansamantalang i-suspend ang pagpapatupad ng salary deductions.
Ito ay upang matulungan ang mga Pilipino na makatugon sa problema sa tumataas na presyo ng produktong petrolyo.

Maaari kang makatulong sa taong may sprain.
Alamin ang tamang first aid upang maiwasan ang paglala ng kondisyon.