
Pina-iimbestigahan na ng pamunuan ng Philippine National Police ang isang tauhan nito na umano’y nagmu-moonlighting sa apat na Chinese national sa Makati.
Isa sa apat na Chinese ang napag-alamang wanted o pinaghahahanap sa China.

Itutuloy pa rin ng transport group na Piston ang kanilang mga protesta sa mga susunod na araw hangga't hindi, anila, pinakikinggan ng gobyerno ang kanilang mga daing.
Samantala, ang transport group na Manibela, hindi na palalawigin pa ang kanilang tigil-pasada na magtatapos ngayong araw.

Tila hindi nagustuhan ng Iran ang pahayag ni Trump kaugnay ng umano’y “regalong langis” na pinadaan sa Strait of Hormuz gamit ang Pakistani‑flagged oil tankers.

Ginaganap ngayon ang dalawang araw na foreign ministers' meeting ng Group of Seven countries o G7 sa bansang France.
Inaasahan sa pagpupulong ang pagbuo ng mga hakbang para matigil na ang kaguluhan sa Europa at sa Gitnang Silangan.

Personal na nag-inspeksiyon si Kuwait Deputy Prime Minister Fahad Yusuf Saud Al-Sabah sa lugar kung saan nagaganap ang sunog sa tangke ng langis sa Kuwait International Airport.
Ang nasabing mga tangke ng langis ay tinamaan ng debris ng missile mula sa Iran.