Back

UNTV News and Rescue

4:10
Politics

Pagtaas ng presyo ng bilihin, posibleng maramdaman sa susunod na mga buwan – DA

March 30, 2026 11:18 PM
PST

Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) na posibleng maramdaman ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga susunod na buwan dulot ng krisis sa langis.

Samantala, tiniyak ng ahensya na magbibigay ito ng tulong sa mga sektor ng agrikultura na pinakaapektado ng pagtaas ng gastos sa produksyon.

3:03
Politics

US at Iran talks sa gitna ng giyera sa Middle East, inaasahan ngayong linggo – Pakistan FM

March 30, 2026 11:13 PM
PST

Posibleng magharap ang United States at Iran sa negotiating table sa mga susunod na araw sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East, ayon kay Pakistan Foreign Minister Ishaq Dar.

Sinabi niyang handa ang Pakistan na magsilbing mediator at host ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang bansa.

2:56
Crime & Investigation

Paglabas ng ebidensya laban kay VP Sara Duterte, sinusubukang pigilin – Rep. Ridon

March 30, 2026 11:12 PM
PST

Sinusubukan umano ng kampo ni Vice President Sara Duterte na pigilan ang paglalatag ng ebidensya laban sa Pangalawang Pangulo.

Kaugnay ito ng petisyong inihain sa Korte Suprema ng mga abogado na kaalyado ng mga Duterte laban sa isinasagawang impeachment proceedings sa Kamara.

3:17
Crime & Investigation

8 provincial bus na naniningil ng dagdag-pasahe, natukoy ng PITX

March 30, 2026 11:10 PM
PST

Natukoy na ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang walong provincial bus na umano’y naniningil ng mas mataas sa itinakdang pamasahe sa kanilang terminal sa Parañaque.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), paiimbestigahan ang mga insidente at posibleng masuspinde o makansela ang prangkisa ng mga operator na mapapatunayang lumabag sa umiiral na regulasyon.

3:07
Crime & Investigation

PNP, bumuo ng special task force para imbestigahan ang ambush sa mga pulis sa Maguindanao

March 30, 2026 11:07 PM
PST

Bumuo ang Philippine National Police (PNP) ng special investigation task group upang tutukan ang imbestigasyon sa pananambang sa mga pulis sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.

Tinitingnan ng PNP ang isang grupo na posibleng responsable sa insidente na ikinasawi ng limang pulis at ikinasugat ng tatlo pa, kasabay ng mariing pagkondena ng ahensya sa naturang pag-atake.