
Magbibigay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng temporary permit sa mga vehicle owner na nais isali ang kanilang sasakyan sa panukalang carpooling program ng pamahalaan.
Sa ilalim ng panukala, papayagan ang mga pribadong sasakyan na magsakay at maningil ng pasahero sa isang point-to-point system, bilang bahagi ng solusyon sa kakulangan ng transport options.

Naglabas ng direktiba ang Bureau of Customs (BOC) na bigyang-prayoridad ang pagpasok ng petroleum imports sa mga pantalan upang mapabilis ang suplay ng langis sa bansa.
Batay sa memorandum, inaatasan ang lahat ng opisyal ng BOC na pabilisin ang pagproseso at paglabas ng mga kargamento ng langis, kabilang ang agarang pagbibigay ng customs clearance upang maiwasan ang pagkaantala sa distribusyon.

Nadagdagan ang bilang ng mga sangkot sa illegal hoarding at profiteering ng produktong petrolyo matapos masampahan ng kaso ang isang indibidwal sa Albay.
Ayon sa ulat, nahuli ang isang gasolinahan sa Bicol na nag-iimbak ng mahigit 1,000 litro ng gasolina.

Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga operator ng public utility vehicles na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtataas ng pasahe nang walang pahintulot mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at maaari itong magresulta sa suspensyon o pagbawi ng prangkisa.
Samantala, bilang paghahanda sa holiday exodus, makikipagtulungan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga lokal na pamahalaan upang alisin ang mga sagabal sa pangunahing kalsada at masigurong maayos ang daloy ng trapiko.

- Sen. Sherwin Gatchalian, hinimok ang DOE at DTI na bantayan at maglagay ng price cap sa LPG
- Joint committee hearings sa Kamara, isasagawa bilang responde sa Middle East crisis
- Biyaheng Taguig-Parañaque, mas mapapaikli dahil sa pagbubukas ng bagong Cavitex-C5 segment