Back

UNTV News and Rescue

1:19:10
Crime & Investigation
Politics

UNTV: Ito Ang Balita | March 30, 2026

March 30, 2026 11:31 PM
PST

- DOTr, nagbabala laban sa iligal na taas-pasahe sa public utility transport

- Nasa 100,000 TNVS at motorcycle taxi drivers na may temporary permit, makatatanggap ng ayuda sa susunod na linggo

- US at Iran talks, inaasahang magsisimula ngayong linggo sa pamamagitan ng Pakistan

2:16
Crime & Investigation

BABALA: Huwag tatanggap ng anomang bagay mula sa stranger sa airport

March 30, 2026 11:32 PM
PST

Mahigpit ang seguridad sa airport.

Iwasan ang pagtanggap ng gamit mula sa hindi kakilala upang maiwasan ang posibleng kaso at problema.

3:56
Politics

Malacañang, nag-iingat sa joint oil exploration sa China sa West Philippine Sea

March 30, 2026 11:27 PM
PST

Iginiit ng Malacañang na maingat ang pamahalaan sa posibleng joint oil exploration sa China sa West Philippine Sea, at sa ngayon ay wala pang umiiral na kasunduan hinggil dito.

Samantala, nagbabala ang isang maritime law expert na dapat munang makita ang sinseridad ng China bago pumasok ang Pilipinas sa anumang kasunduan kaugnay ng eksplorasyon ng langis.

2:41
Politics

Iran, target ang tirahan ng US at Israeli officials

March 30, 2026 11:25 PM
PST

Nagbabala ang ilang American schools sa Gulf region kasunod ng pinsala sa isang science and technology university sa Iran, habang tumitindi ang tensyon sa rehiyon.

Kasunod ito ng banta ng Iran na gaganti kung hindi kokondenahin ng US ang pag-atake, at ng panibagong babala laban sa mga opisyal at diplomat ng US at Israel na nasa Middle East.

4:32
Politics

Mayorya ng gov’t employees, wala sa casino ban list – PAGCOR

March 30, 2026 11:21 PM
PST

Ipinagbabawal sa mga kawani ng gobyerno ang pagsusugal sa mga casino at may umiiral na listahan ng restricted persons.

Gayunman, ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), hindi maisama ang mayorya ng government employees sa naturang listahan dahil sa umiiral na Data Privacy Act.