
Nakatutok ang buong mundo sa ikalawang round ng nuclear talks sa pagitan ng United States at Iran sa Geneva, Switzerland ngayong araw.
Ayon kay US President Donald Trump, bagamat hindi siya personal na dadalo sa pulong, may papel pa rin siya sa mga negosasyong mahalaga sa kapayapaan sa rehiyon.

Ibinida sa China ang kauna-unahang fully autonomous humanoid robot cluster sa buong mundo, kasabay ng selebrasyon ng Chinese New Year.

Ilang pulis sa Lanao del Norte ang natulungan na matiyak ang estado ng kanilang kalusugan sa ginanap na medical mission doon.
Anila, dahil on-call ang kanilang trabaho, hindi sila agad nakakapatingin, maging ang kanilang pamilya.

Ipinautos ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa mga domestic shipping company ang regular na pagsasagawa ng emergency drill sa mga barko.
Samantala, palalakasin ng International Maritime Organization (IMO) ang mga hakbang upang maiwasan ang karahasan na nararanasan ng mga marino sa karagatan.

May dagdag pa ring honoraria ang mga guro na magsisilbi sa Special Elections sa 2nd District ng Antipolo, Rizal sa Marso.
Ito ay sa kabila ng hindi pagbibigay ng dagdag-pondo sa COMELEC ng Department of Budget and Management (DBM).