
Anihan na ng sibuyas sa probinsya ng Nueva Ecija at iba pang panig ng bansa.
Pero umaangal ang mga magsasaka dahil binabarat sila ng mga trader.
Hindi rin kasi mabenta sa tamang presyo ang kanilang ani dahil baha naman ng murang imported na sibuyas sa merkado.

Bigo pa rin ang mga awtoridad na matunton ang negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang matapos ang sampung magkakahiwalay na operasyon noong Linggo.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, isinagawa ang mga raid batay sa bagong intelligence reports, ngunit negatibo ang lahat ng pinuntahang lugar.

Umakyat na sa 338 ang Department of Health (DOH)-designated HIV care facilities sa buong bansa.
Ayon sa DOH, ang mga pasilidad na ito ang magbibigay ng libreng HIV screening, paggamot, at prevention services bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang laban kontra HIV.

Sinira ng Bureau of Customs ang mga nasabat na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P188-M sa Subport ng Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental, kahapon, February 16.

Nangangamba ang ilang magulang at estudyante sa posibleng dagdag na stress at workload na haharapin nila sa ilalim ng panukalang trimester system.
Kaugnay ito ng anunsyo ng Department of Education hinggil sa pinag-aaralang paglilipat sa trimester system para sa academic calendar ng school year 2026–2027.