
Panunuhol o bribery at pagbulsa ng pera ng taumbayan ang dalawang nangungunang anyo ng korapsyon batay sa pag-aaral na isinagawa sa bansa ng OCTA Research.
Sa survey ng OCTA Research na isinagawa noong December 2025 sa 1,200 Pilipino, lumabas na 73% ng mga respondent ang nagsabing ang panunuhol o bribery ang pinakatalamak na uri ng korapsyon.

Inanunsyo ng Atin Ito Coalition na magsasagawa ito muli ng civilian mission sa West Philippine Sea ngayong darating na summer.
Ito na ang ika-apat na civilian-led mission sa West Philippine Sea.

- P462-M pondo para sa Kalayaan municipality sa Palawan sa 2027, isusulong ng ilang mambabatas
- Sea drills sa pagitan ng Pilipinas, Estados Unidos at Australia sa West Philippine Sea, hindi apektado ng paglitaw ng 2 Chinese warship
- Ilang magulang at estudyante, nangangamba sa panukala ng DepEd na mag-shift sa trimester system; DepEd, nilinaw na pinag-aaralan pa ito

Sugatan ang isang babae sa Bacolod City nang makipag-agawan ng kutsilyo sa kapitbahay.
Tumugon ang UNTV News and Rescue team sa tawag ng awtoridad upang mabigyan ng paunang lunas ang biktima.
Samantala, tinulungan din ng UNTV News and Rescue ang isang mototaxi rider nang mabangga ng SUV sa isang intersection sa Caloocan City.

Hindi sapat para kay British Prime Minister Keir Starmer ang umiiral na polisiya sa UK kaugnay ng online security ng mga kabataan.
Aniya, kailangan na mailapat ang mga polisiya sa pagbabago ng panahon, lalo na sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya.