
Nais paamyendahan ng ilang grupo sa sektor ng transportasyon ang batas sa pamamahagi ng fuel subsidy sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.
Bunsod nito, ilang grupo sa sektor ng transportasyon ang humihingi ng tulong sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Ipinag-utos ng Department of Agriculture o DA ang paglikha ng Coffee Industry Development Office o CIDO.
Layunin nito na lumikha ng mga programa para sa industriya ng kape, gayundin ang paglalaan ng pondo at pagbuo ng mga polisiya na noon ay nakakalat sa iba't ibang mga yunit.

Nilinaw ng Department of Education o DepEd na panukala pa lamang ang trimester system at wala pang pinal na desisyon.
Dadaan din ito sa maraming konsultasyon bago tuluyang ikonsidera kung ipatutupad.
Sa inilabas na official statement ng kagawaran, sinabi nito na nauunawaan ang pangamba na ipinunto ng mga mambabatas, guro, at stakeholders.

Kinumpirma ng Commission on Elections na umatras sa pitong tumakbong kandidato sa special election sa Antipolo City si LJ Sumulong.
Ayon kay Sumulong, nabuo ang kanyang desisyon matapos ang konsultasyon sa kanilang partido.

Kinumpirma ng Office of the Solicitor General na legal ang pagpapadala kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court o ICC.
Sa isang pahayag, sinabi ni Solicitor General Darlene Berberabe na naaayon sa international laws at Republic Act 9851 o Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity ang ginawang pag-aresto kay FPRRD.