Back

UNTV News and Rescue

2:01
Politics

United Kingdom, magpapatupad ng bagong travel permit requirement para sa mga dayuhang bisita

February 26, 2026 8:44 AM
PST

Simula noong Pebrero 25, lahat ng dayuhang bisita mula sa 85 bansa na patutungo sa United Kingdom ay kinakailangang magkaroon ng electronic travel permit bago makabiyahe.

Ayon sa UK Interior Ministry, hindi papayagang makasakay ng mga airline ang sinumang pasahero na walang balidong permit o dokumento, kaya dapat i-proseso at ipakita ito bago pa man ang biyahe.

1:29
Lifestyle

Antarctica New Zealand, naghahanap ng empleyado para sa Scott Base

February 26, 2026 8:43 AM
PST

Nasa 40 posisyon ang bukas para sa mga nagnanais magtrabaho sa isa sa pinaka-liblib na lugar sa mundo, ang Scott Base sa Antarctica.

1:05
Politics

PH Gov’t, dapat tulungang makauwi si FPRRD ayon kay Atty. Delgra

February 26, 2026 9:00 AM
PST

Naniniwala si Atty. Martin Delgra, former Land Transportation Franchising and Regulatory Board chairman at ngayo’y miyembro ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na dapat tulungan ng gobyerno ng Pilipinas na mapauwi ang dating pangulo.

Ayon kay Atty. Delgra, matagal nang mandato ng kahit sinong administrasyon na kung mayroong Pilipinong nasasakdal sa ibang bansa ay dapat ibigay ng Pilipinas ang lahat ng assistance para ito’y mapauwi.

0:53
Politics

Hindi pagdalo ni FPRRD sa pagdinig sa Feb. 27, pinayagan ng ICC

February 26, 2026 8:45 AM
PST

Pinayagan ng International Criminal Court o ICC ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi dumalo sa pagdinig sa kaniyang kaso na nakatakda sa February 27.

Gayunman, ayon sa ICC, magpapatuloy pa rin ang pagdinig sa kabila ng kaniyang hindi pagdalo alinsunod sa Rule 118(3) ng ICC.

1:42
Weather & Environment

Davao de Oro, under state of calamity na dahil sa baha at landslide

February 26, 2026 8:42 AM
PST

Matapos ang sunod-sunod na pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa shear line, isinailalim na sa state of calamity ang probinsya ng Davao de Oro upang mapabilis ang paghahatid ng tulong sa libo-libong apektadong pamilya.