
Dismayadong umuwi ang ilang mga tricycle driver sa Bulacan kahapon, matapos na bigong makatanggap ng ipinamamahaging cash relief assistance ng Department of Social Welfare and Development.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng DSWD Central Luzon Region na magsasagawa sila ng special payout day para sa mga tricycle driver na nagkaproblema sa pagkuha ng ayuda.

Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga gasolinahan sa buong bansa na tumigil sa operasyon sa gitna ng tensyong nangyayari sa Middle East.
Batay sa monitoring ng Philippine National Police, karamihan sa mga nagsarang gasoline stations ay mula sa Cordillera Administrative Region, sinusundan ng Cagayan Valley at Bicol Region.

Nagbabala ang Department of Agriculture na maaaring umabot sa 75 Billion pesos ang malulugi kung hindi matutulungan ang mga magsasaka at mangingisda.
Ayon kay DA Undersecretary Asis Perez, apektado ng mataas na presyo ng krudo ang produksyon ng palay, mais, at fisheries.

Posibleng mapilitan ang ilang business owners na magsara ng negosyo kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon kay Sergio Ortiz-Luis Jr., presidente ng Employers Confederation of the Philippines at Philippine Exporters Confederation, tumataas ang gastos ng mga kumpanya lalo na sa transportation habang numinipis naman ang kanilang kita.

- Vice President Sara Duterte, hiniling sa Supreme Court na ipatigil ang impeachment proceedings ng Kamara; petisyon, tinawag na desperadong hakbang ng ilang mambabatas
- Mataas na presyo ng krudo, inaasahang mananatili sa kabila ng ceasefire sa pagitan ng US at Iran — ayon kay Energy Secretary Sharon Garin
- Mas pinaigting na police visibility, ipatutupad ng Philippine National Police laban sa nakawan ng produktong petrolyo