Back

UNTV News and Rescue

2:53
Politics

Oversupply ng sibuyas, inaasahan sa Marso; presyo, bababa – Nueva Ecija LGU

February 26, 2026 9:00 PM
PST

Inaasahang magkakaroon ng oversupply ng sibuyas simula sa susunod na buwan at posibleng hindi na magkasya sa mga onion cold storage facility sa Nueva Ecija.

Buwan ng Marso ang ani ng pulang sibuyas kaya inaasahang bababa ang presyo.

Plano naman ng ilang magsasaka na iimbak muna ang ani at ibenta kapag hindi na palugi ang presyuhan.

0:53
Politics

DFA, nagbabala na huwag tatakan ng unauthorized stamps ang Philippine passport

February 26, 2026 8:58 PM
PST

Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs sa lahat ng Philippine passport holders na iwasang mamarkahan ng hindi awtorisadong selyo o stamps ang kanilang e-passports.

Ayon sa ahensya, ang mga unauthorized marking sa e-passport ay nagpapawalang-bisa rito.

3:02
Politics

Tripleng produksyon ng family food packs, kayang gawin sa bagong pasilidad sa Mandaue City

February 26, 2026 8:56 PM
PST

Mas magiging mabilis na ang produksyon ng family food packs para sa Visayas dahil sa bagong mechanized production system ng Visayas Disaster Resource Center sa Mandaue City.

Kanina, nag-inspeksyon mismo sa bagong pasilidad si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

5:25
Crime & Investigation

4 PCG personnel, inalis sa pwesto kasunod ng trahedya sa MV Trisha Kirsten

February 26, 2026 8:54 PM
PST

Apat na tauhan ng Philippine Coast Guard ang inalis sa pwesto bunsod ng paglubog ng MV Trisha Kirsten.

Batay ito sa ulat na inilahad sa ikalawang pagdinig ng House Committee on Transportation kaugnay ng trahedya.

3:04
Politics

Combined arms training ng Phil. Army, nagsimula na; 4,000 sundalo, sumabak sa pagsasanay

February 26, 2026 8:51 PM
PST

Nagsimula na ang taunang Combined Arms Training Exercise o CATEX “Katihan” ng Philippine Army.

Tinatayang nasa 4,000 sundalo ang nakikilahok ngayon sa pagsasanay na ginaganap sa iba't ibang lugar sa Northern Luzon.