
Pinaigting ng Philippine National Police ang imbestigasyon upang matunton ang sindikato sa likod ng P6.6-B “shabu” laboratory na natuklasan sa Valenzuela City.

Tiniyak ng Social Security System (SSS) na wala itong ipatutupad na pagtaas sa kontribusyon ng mga miyembro sa kabila ng pagtaas sa natatanggap na pensyon.
Samantala, inanunsyo rin ng SSS na target nitong ipatupad sa second quarter ng 2026 ang bagong benepisyong micro pension loan upang makatulong sa mga Pilipino na makaiwas sa pangungutang sa lending companies na may mataas na interes.

Magiging maingat ang National Unity Party sa pagdedesisyon kaugnay ng mga impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House Deputy Speaker Ronnie Puno, hati ang pananaw ng kanilang partido hinggil sa usapin.

Nagpapatuloy ngayong araw ang confirmation of charges kaugnay sa kasong crime against humanity.
Sa pagdinig na ito, ang panig naman ng depensa ang maghahain at maglalahad ng kanilang mga argumento.

Kahit may higit dalawang taon pa bago matapos ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa isang political analyst, nagsisimula na ang pagpoposisyon ng mga politiko para sa 2028 presidential elections kasunod ng deklarasyon ni Vice President Sara Duterte.
Aniya, may indikasyon na rin na naghahanap ang administrasyon ng pantapat sa bise presidente.