
- Mayor Leni Robredo, posibleng pantapat kay Vice President Sara Duterte sa 2028 elections, ayon sa isang political analyst
- Argumento ng depensa, ilalatag sa ikatlong araw ng confirmation of charges hearing sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
- Apat na tauhan ng Philippine Coast Guard, inalis sa pwesto kasunod ng trahedya sa MV Trisha Kirsten sa Basilan; anggulong overloading at '1-deck classification', kinuwestyon sa Kamara

Isang lalaking nahirapang huminga ang isinugod sa ospital matapos bumaba ang kanyang oxygen level.
Agad na tumugon ang UNTV News and Rescue sa hiling na patient transport upang maagapan ang kalagayan ng pasyente.

Maituturing na makasaysayan ang pagkapanalo ng Japanese duo figure skaters na sina Miura Riku at Kihara Ryuichi sa ginanap na 2026 Winter Olympics kamakailan.
Ang kanilang tagumpay ang kauna-unahang Olympic gold medal na nakamit ng Japan sa pair figure skating category ng torneo.

Dumating na sa Geneva ang delegasyon ng Iran para sa pagpapatuloy ng high-stakes talks kasama ang Estados Unidos kaugnay ng nuclear program ng Tehran.
Kasabay nito, pinalawak ng Washington ang mga ipinatutupad nitong sanctions sa Tehran at nagbabala ng posibleng aksyong militar kung walang magiging kasunduan sa nagaganap na pag-uusap.

Isinumite ng abogado ng mga nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marines ang salaysay ng mga ito sa Office of the Ombudsman.
Laman ng salaysay kung paano umano naging tagapagdala ang mga ito ng male-maletang pera mula kay dating Cong. Zaldy Co upang maihatid sa lugar ng iba't ibang politiko.