Back

UNTV News and Rescue

2:03
Weather & Environment

Bulkang Kanlaon, muling pumutok; ilang lugar, inulan ng abo

February 27, 2026 7:39 AM
PST

Muli na namang pumutok ang Bulkang Kanlaon matapos itong pumutok kagabi sa Negros Island.  

Nagbuga ito ng makapal na abo at mga maiinit na bato na ikinabahala ng mga residente.

4:07
Politics

Atty. Panelo, masaya sa presentation of argument ni Kaufman

February 27, 2026 7:39 AM
PST

Nasiyahan si dating Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa naging presentation of argument ni Atty. Nicholas Kaufman bilang depensa sa kasong isinampa sa International Criminal Court o ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

1:48
Politics

Panelo, naniniwalang hindi nagtugma ang argumento ng prosecution

February 27, 2026 7:38 AM
PST

Naniniwala si dating Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi nagtutugma ang argumento ng prosecution sa mga pinresenta nitong mga dokumento noong unang araw ng confirmation of charges.  

Ayon pa kay Panelo, ang pinanghahawakang dokumento ng prosecution na umano’y nagsasabing may murderous intent ang dating pangulo sa kaniyang war on drugs ay siya ring dokumentong nagsasabing utos ng pangulong gawin ang pag-aresto nang ayon sa batas.

2:00
Politics

Robredo, nakikitang posibleng pambato ng Marcos admin laban kay VPSD – analyst

February 27, 2026 7:38 AM
PST

Si Naga City Mayor Leni Robredo ang maaaring nakikitaan ng potensyal ni Pangulong Marcos Jr. na maging malakas na pantapat kay Vice President Sara Duterte sa 2028 presidential elections.  

Ayon sa political analyst na si Professor Dennis Coronacion, marahil dahil wala pa sa mga kaalyado ng administrasyon ang may malaking tsansang tumalo sa bise presidente kaya naghahanap si PBBM ng mga maaaring alternatibong kandidato na kaniyang susuportahan.

1:21
Politics

VP Sara, matagal na umanong alam ang ugnayan ng ilang opisyal ng Pilipinas sa ICC investigators

February 27, 2026 7:37 AM
PST

Matagal na umanong may impormasyon si Vice President Sara Duterte hinggil sa umano’y pakikipag-ugnayan ng ilang opisyal ng Pilipinas sa mga imbestigador ng International Criminal Court at kung ano ang ginagawa nila noon sa bansa.  

Ito ang inihayag ng pangalawang pangulo matapos ang paglalabas ng joint affidavit ng ilang dating miyembro ng Philippine Marine Corps kaugnay ng kanilang nalalaman sa nasabing ugnayan.