
Muling pumutok ang Mt. Kanlaon kagabi at ilang mga bayan ang naapektuhan ng ibinuga nitong abo.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, posibleng magkaroon muli ng malakas na pagsabog ang bulkan batay sa ipinakikita nitong aktibidad.

Isang buwan bago ang mahabang bakasyon, nagsagawa na ng pag-iinspeksyon sa Parañaque Integrated Terminal Exchange ang Metropolitan Manila Development Authority kasama ang Office for Transportation Security upang tingnan ang ginagawang preparasyon sa naturang passenger terminal.

Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: http://www.facebook.com/GoodMorningKuya/
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/

Naglabas ng komprehensibong guidelines ang Department of Education o DepEd para sa paggamit ng Artificial Intelligence o AI sa basic education.
Layon nito na maiayos ang paggamit ng AI sa mga classroom pero maingatan din ang mga mag-aaral at guro sa paggamit nito.

Sa ikatlong araw ng confirmation of charges hearing laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC, mariing iginiit ng defense team na ang mga talumpati ng dating pangulo ay hyperbole lamang at walang matibay na ebidensyang nag-uugnay sa kanyang mga pahayag sa mga umano’y pagpatay.
Binigyang-linaw rin nila na ang “neutralization” ay hindi awtomatikong nangangahulugang pagpatay.