Back

UNTV News and Rescue

1:15
Politics

PBBM, ikinokonsiderang bigyan ng absolute pardon si Mary Jane Veloso – Malacañang

September 23, 2026 8:18 PM
PST

Hindi inaalis ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibilidad na bigyan ng absolute pardon si Mary Jane Veloso.

Kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na ikinokonsidera ng Pangulo ang pagkakaloob nito kay Veloso, na kasalukuyang nakakulong sa Correctional Institution for Women matapos maiuwi sa Pilipinas mula Indonesia noong December 2024.

‍

5:34
Politics

Trump, nagbigay ng ultimatum sa Iran: Deal o ‘annihilation’

September 23, 2026 8:16 PM
PST

Nagbigay ng panibagong ultimatum si U.S. President Donald Trump sa Iran, na hinimok niyang makipagkasundo sa Amerika habang nagbabala ng posibleng “annihilation” kung mabigo ang negosasyon.

Samantala, sinabi ni Iranian President Masoud Pezeshkian na ihaharap niya sa United Nations ang posisyon ng Iran kaugnay ng digmaan at mga alegasyon nito laban sa U.S. at Israel.

‍

7:06
Politics

Impeachment court, binago ang basehan ng two-thirds voting threshold sa hatol kay VP Duterte

September 23, 2026 8:14 PM
PST

Binago ng impeachment court ang basehan sa pagtukoy ng two-thirds threshold para sa conviction sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa ilalim ng bagong ruling, hindi isasama sa pagbibilang ang mga senador na hindi maaaring lumahok sa paglilitis dahil sa apat na partikular na dahilan.

‍

0:37
Politics

MANIBELA, magsasagawa ng 3-day transport strike mula Sept. 28 hanggang 30

September 23, 2026 8:12 PM
PST

Magsasagawa ng 3 araw na transport strike ang grupong MANIBELA mula September 28 hanggang 30.

Ayon kay MANIBELA Chairman Mar Valbuena, hindi sapat ang pansamantalang ayuda o fuel subsidy sa gitna ng mataas na presyo ng langis.

‍

4:25
Politics

Malacañang, isinangkot sa flood control scandal sa House budget debates

September 23, 2026 8:10 PM
PST

Tinalakay sa plenaryo ng Kamara ang panukalang pondo ng Office of the President para sa susunod na taon.

Kasabay nito, binuksan ang mga alegasyon ng pagkakasangkot ng Malacañang sa flood control scandal at umano’y kawalan ng transparency sa confidential funds ng Pangulo.

‍