Back

UNTV News and Rescue

4:22
Politics

Defense team ni VP Sara, kinokonsidera ang paghiling ng TRO sa SC

September 24, 2026 9:01 AM
PST

Binago na ng impeachment court ang basehan para sa ⅔ conviction threshold sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Dahil dito, bukas ang posibilidad na dumulog ang kampo ni VP Duterte sa Korte Suprema para kuwestyunin ang naging desisyon.

3:07
Politics

Trabaho ng prosekusyon, hindi nagiging madali sa bagong voting threshold

September 24, 2026 9:00 AM
PST

Iginiit ng House prosecution na hindi nagiging madali ang trabaho nito kasunod ng bagong desisyon ng Senate impeachment court sa voting threshold para sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Gayunman, ayon sa panel, mas mainam na nalutas na ang usapin sa kalagitnaan ng impeachment trial.

3:34
Politics

Minority senators, ginigipit umano; nais iakyat sa SC ang usapin sa voting threshold

September 24, 2026 8:59 AM
PST

Naniniwala si Senator-Judge Imee Marcos na nakararanas ng panggigipit ang mga senador mula sa minority bloc.

Samantala, pagdating sa usapin ng voting threshold, naniniwala ang mga senador sa minorya na mas makabubuti na ang Korte Suprema ang magdesisyon tungkol dito.

1:20:04
Crime & Investigation
Politics
Weather & Environment

UNTV: Ito Ang Balita | September 23, 2026

September 24, 2026 10:32 PM
PST

- Basehan sa kailangang boto sa hatol sa impeachment trial ni VP Duterte, ibinaba; mga Senator-Judge na hindi makalalahok dahil naka-detine, may kondisyong medikal o hindi tiyak ang kinaroroonan, hindi isasama sa bilangan

- Isyu sa voting threshold, mas makabubuting iakyat na lang sa Korte Suprema ayon sa ilang Senator-Judge; pagrespeto sa mga naka-detine nilang kasamahan, hiniling ng minorya

- DOTr, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na humanap ng iba pang paraan para matulungan ang transport groups at commuters sa gitna ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

‍

3:49
Weather & Environment

Mt. Bulalakaw sa Masbate, pansamantalang isinara para sa nature conservation

September 23, 2026 8:19 PM
PST

Pansamantalang isinara sa mga turista ang Mt. Bulalakaw sa Barangay Sinalongan, Masbate City upang maisaayos ang pamamahala at pangangalaga sa lugar.

Samantala, nananatiling sarado sa publiko ang Mt. Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary sa Davao Oriental para sa taunang rehabilitasyon.

‍