
-DPWH Sec. Vince Dizon, muling tumestigo laban kay ex-Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa kasong graft
-Asylum application ni dating presidential spokesperson Harry Roque, wala pang desisyon ayon kay SILG Remulla
-Aktibong partisipasyon ng senator-judges sa botohan, iginiit ng House prosecution team;Atty. Michael Poa, nanindigang 16 ang conviction threshold sa impeachment trial

Binaha ang ilang lugar sa Cebu City dahil sa malakas na pag-ulan.
Pinag-iingat ng local government unit ang mga residente na apektado.
.jpg)
Patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang water level ng Angat Dam sa Bulacan, lalo na sa banta ng inaasahang epekto ng Super El Niño.
Kasalukuyang nasa mahigit 208 meters ang water level ng Angat Dam, ngunit target pa rin ng mga awtoridad na mapataas ito bago sumapit ang mas tuyong panahon.

Sasalang din sa budget debates ng plenaryo ng House of Representatives ngayong araw ang panukalang pondo ng Department of Energy at Department of Transportation.
Inaasahang tatalakayin dito ang mga pangunahing isyu, kabilang ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Idineklara ng Malacañang bilang non-working days sa National Capital Region ang November 16 hanggang 18, 2026, kaugnay ng idaraos na 49th Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit and Related Summits.