
Ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police Academy ang inalis sa pwesto ni General Melencio Nartatez Jr. kasunod ng April 3 hazing incident.
Magpapatupad din ng reshuffle ang Philippine National Police sa mga opisyal ng akademya bilang bahagi ng aksyon sa insidente.

Kinuwestiyon ng ilang senador sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services ang naging tugon ng pamahalaan sa krisis sa langis, kabilang ang 2-day onsite work kada linggo ng Department of Energy.
Binigyang-diin sa pagdinig ang umano’y kakulangan sa aksyon ng ahensya sa gitna ng sunod-sunod at walang tigil na oil price hike sa bansa.

Tuloy na ang pagharap ng nagpapakilalang dating bagman ni VP Sara Duterte na si Ramil Madriaga sa pagdinig ng House Justice Committee bukas, April 14.
Samantala, iginiit ng isang mambabatas na indikasyon umano ng pagkabahala ang paglulunsad ng RAGE Coalition sa pangunguna ni Davao City Mayor Sebastian Duterte.

Iginiit ng Malacañang na hindi apektado si Pres. Ferdinand Marcos Jr. sa inilunsad na Reform Alliance for Good Government and Accountability o RAGE Coalition na pinangunahan ni Davao City Mayor Sebastian Duterte kasama ang mga kaalyado ng pamilyang Duterte.
Ayon sa Palasyo, wala umanong panahon ang Pangulo sa pamumulitika at nakatuon ito sa pagtugon sa mga pangunahing usapin ng bansa.

May mga simpleng paraan para maprotektahan ang kalusugan laban sa haze at polusyon sa hangin.
Narito ang safety tips na makatutulong upang maiwasan ang masamang epekto nito sa katawan.