
Tuloy ang mahigpit na implementasyon ng mga ordinansa sa Metro Manila sa ilalim ng Safer Cities program sa kabila ng mga batikos na natatanggap ni DILG Sec. Jonvic Remulla.
Ayon kay Remulla, layunin lamang ng hakbang na masiguro ang kaligtasan sa mga lungsod kaya ipinag-utos ang mas seryosong pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa.

Sa kabila ng 21 oras na tuloy-tuloy na usapan sa Islamabad, Pakistan, nabigong makabuo ng kasunduan ang United States at Iran.
Ayon sa Pakistan, may kasunod pang negosasyon sa pagitan ng dalawang bansa, ngunit nananatiling palaisipan ang mga pangunahing dahilan kung bakit hindi pa rin sila nagkakasundo.

Dahil bigong makabuo ng kasunduan ang Iran at United States, muling umigting ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa lalo na sa Strait of Hormuz.
Isang video ang inilabas ng Iranian Navy kung saan hindi nito hinayaang makatawid sa nasabing karagatan ang US warships.

Babawasan na ng Canada ang pagdepende nito sa United States pagdating sa defense procurement at pagbili ng military assets.
Ayon kay Prime Minister Mark Carney, panahon na upang palakasin ang sariling industriya ng bansa at maging mas independent, habang pinapalawak ang ugnayan sa Europa at United Kingdom.

Inihayag ni Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez na mas lumaganap nitong nakaraang linggo ang fake news kaugnay sa kalusugan ni Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa PCO, kinokolekta na ang mga detalye ng mga responsable sa pagpapakalat ng maling impormasyon online para sa posibleng pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.