Iginiit ng Malacañang na hindi apektado si Pres. Ferdinand Marcos Jr. sa inilunsad na Reform Alliance for Good Government and Accountability o RAGE Coalition na pinangunahan ni Davao City Mayor Sebastian Duterte kasama ang mga kaalyado ng pamilyang Duterte.
Ayon sa Palasyo, wala umanong panahon ang Pangulo sa pamumulitika at nakatuon ito sa pagtugon sa mga pangunahing usapin ng bansa.






















