
Dumalo sa impeachment proceedings sa Kamara ang itinuturing na mahalagang resource person ng mga complainant na si Ramil Madriaga, na nagpakilala na umano'y bagman ni Vice President Sara Duterte.

No show pa rin sa pagdinig ng House Justice Committee sa reklamong impeachment kay Vice President Sara Duterte.
Pero ang isa sa defense counsel nito sa impeachment proceedings na si Atty. Michael Poa, dumating sa kamara matapos ipa-subpoena ng House panel.

Itinanggi ni Executive Secretary Ralph Recto ang mga paratang ni Batangas Representative Leandro Leviste na hinaharang ng Malacañang ang mga panukalang batas na naglalayong bawasan o suspindihin ang 12% VAT sa langis at bilihin.
Binigyang-diin ni Recto na independent ang Kongreso at hindi dapat isisi sa ehekutibo ang pagkaantala ng mga tax relief measures.

Duda ang grupong Manibela sa bayaran sa service contracting program para sa mga public utility vehicles (PUV).
Tiniyak naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi mangyayari sa kasalukuyang administrasyon ang hindi pagbabayad sa PUV operators.

Mabigat ang alegasyon ni Batangas First District Representative Leandro Leviste laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Ayon sa batang mambabatas, hinaharang umano ng kalihim ang mga panukala ng Kamara sa pag-aalis ng Value Added Tax (VAT).