Itinanggi ni Executive Secretary Ralph Recto ang mga paratang ni Batangas Representative Leandro Leviste na hinaharang ng Malacañang ang mga panukalang batas na naglalayong bawasan o suspindihin ang 12% VAT sa langis at bilihin.
Binigyang-diin ni Recto na independent ang Kongreso at hindi dapat isisi sa ehekutibo ang pagkaantala ng mga tax relief measures.






















